7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

136 DRUG REFORMISTS SA BAYAN NG PADADA, DAVAO DEL SUR, NAGTAPOS SA ANIM NA BUWANG CBRAP

5 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Nakapagtapos ang 136 na mga drug reformist sa bayan ng Padada, Davao del Sur sa kanilang anim na buwang Community- Based Rehabilitation and Aftercare Program (CBRAP).

Sa inilabas na pahayag ng Padada Municipal Police Station, ito ang unang batch ng mga drug reformists sa nasabing bayan na sumailalim sa CBRAP, programa ng mga lokal na pamahalaan para muling ibangon ang buhay ng mga drug surrenderers matapos ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot o di kaya’y pagtutulak ng iligal na droga.

Ito ang tugon ng pamahalaan sa pinalakas nitong kampanya laban sa illegal na droga.

Sa ilalim ng anim na buwang programa, dumaan ang mga reformist sa physiological approach, psychological, social at economic activities, ganoon din sa spiritual reformation.

Sa muling pagbabalik ng mga nasabing drug reformists sa lipunan, patuloy pa rin silang i-momonitor ng Pulisya at mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ito ay upang masiguro na hindi na sila babalik pa sa dating masamang gawain sa paggamit at pagbenta ng ipinagbabawal na gamot.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media