7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

15 HEALTHCARE WARRIORS MULA CDO, NAGTUNGO SA DAVAO CITY UPANG TUMULONG SA PAGLABAN SA COVID-19

5 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Nasa 15 healthcare warriors mula Cagayan de Oro City ang dumating sa lungsod ng Davao upang makipagtulungan sa paglaban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni Dr. Lenny Joy Rivera, assistant regional director ng Department of Health Davao, na sa nasabing bilang labing tatlo ay mga nurse at dalawang medical technologists na idedeploy sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa loob ng dalawang linggo.

Maliban sa labing limang volunteers mula CDO, tutulong rin sa SPMC ang iba pang healthcare warriors mula Cebu at National Capital Region (NCR).

Una nang inamin ng Department of Health na “overburdened” na ang mga ito sa pag-responde sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Maliban sa halos isang libong nag-positibo sa COVID-19 at mga sumailalim sa quarantine, marami ring empleyado ang umalis na sa kanilang trabaho dahil sa takot para sa kanilang sarili at pamilya na mahawa sa virus.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media