7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

2 COVID-19 VACCINE MULA CHINA NAKAKUHA NA RIN NG EMERGENCY UTILIZATION AUTHORIZATION

5 months ago | World | 0 comments

By Xai Reyes

Bukod sa Pfizer, nakakuha narin ng emergency utilization authority (EUA) ang dalawang COVID-19 vaccine mula sa China.

Ayon sa palasyo hindi lamang Pfizer ang mayroon nang Emergency Utilization Authorization lalo’t ikakasa na ang umanoy kauna- unahang mass vaccination na gagawin sa United Kingdom.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may dalawa pang gamot kontra sa COVID-19 galing ng China ang nabigyan na din ng Emergency Use Authorization.

Ito ay ang Sinovac at Sinopharm na ani Roque ay maaari nang angkatin ng pamahalaan at maging available na sa merkado, 21 araw lamang matapos na ito ay dumaan sa ating Food and Drugs Administration (FDA).

Ipinaliwanag ni Roque na basta’t rehistrado na sa FDA ng bansa kung saan galing ang isang COVID vaccine na aangkatin ng Pilipinas, ay mabibili na ito sa ating mga botika nang hindi lalampas ng 21 days.

Sa loob aniya kasi ng 21 araw ay ipoproseso sa FDA natin ang registration ng mga bakunang maaangkat at ang kasunod nito’y availability na sa market.

Una nang sinabi ni National Task Force (NTF) Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na posibleng mauna pang maging available sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine na magmumula sa China matapos na malagdaan kamakailan ang isang tripartite agreement

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media