
2021 GENERAL APPROPRIATIONS BILL, PAGTITIBAYIN NG KAMARA SA NOVEMBER 16
Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, November 16 aaprubahan ng Kamara sa third and final reading ang House Bill 7727 0 2021 General Appropriations Bill.
Ayon kay Cayetano, bagamat ipinasa na ang P4.5 trillion proposed 2021 budget sa ikalawang pagbasa at nag-suspend na ng sensyon ang mababang kapulungang ay tuloy pa rin aniya ang kanilagn pagta-trabaho.
Partikular na ang binuong special committee na siyang naatasan para sa individual at committee amendments sa panukalang pambansang pondo na isusumite naman sa November 5.
Tuloy-tuloy din aniya ang pagpupulong sa pagitan ng mga ahensya para ipaliwanag ang kanilang budget cuts gayundin sa bawat kongresista upang maipakita ang distribution ng pondo.
Oras na ma-aprubahan sa November 16 ay isusumite din sa Senado sa araw na iyon ang GAB.
0 Comments