7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

300+ NA PAGALA-GALANG MENOR DE EDAD SA MGA TIANGGE SA QC PINAGDADAMPOT NG TASK FORCE DISIPLINA

2 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Abot sa 340 minors ang sinagip ng Quezon City Task Force Disiplina na namataang pagala gala sa mga public places sa lungsod Quezon.

Ang pag-rescue ay alinsunod sa kampanya ng lokal na pamahalaan na mahigpit na pagbabawal sa paglabas ng mga menor de edad sa mga lansangan sa gitna ng pandemya.

Ipinasara din ng LGU ang ilang tiangge sa Robinsons Novaliches na nagpapasok ng mga kabataan na may edad na mababa sa 18 taong gulang.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na seryoso ang city government sa pagpapatupad ng patakarang ito upang mapanatiling ligtas ang mga kabataan sa pagkahawa ng COVID 19.

Lahat ng mga sinagip na kabataan ay dinala sa Centris Command post para sa profiling ng kanilang magulang habang ang iba ay dinala sa kani kanilang barangay para sa counseling.

Inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipts ang mga magulang ng mga sinagip na menor de edad alinsunod sa umiiral na ordinansa o “Quezon City Special Protection of Children against COVID-19.”

Una nang inaprobahan ng alkalde ang isang ordinansa na nagbabawal sa mga minors sa public places, kahit may kasama pa itong magulang o guardian ng walang dahilan.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media