7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

AFP CHIEF NANAWAGAN SA MAMAMAYAN NA TUTULAN AT LABANAN ANG RECRUITMENT NG NPA

5 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Nanawagan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Gilbert Gapay ng pagkakaisa upang kontrahin ang pagre-recruit ng New People’s Army (NPA) sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga progresibong grupo.

Ang pahayag ni Gapay ay matapos ang pangatlong Senate hearing kahapon kung saan nagbigay ng testimonya ang mga dating rebelde na na-recruit ng NPA mula sa mga itinuturing na front organizations tulad ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, at Anakpawis.

Ayon kay Gapay, malinaw sa pahayag ng mga dating miyembro ng NPA na ang mga progresibong grupo na kabilang sa tinaguriang Makabayan bloc ang pinag-uumpisahan ng mga NPA fighters.

Kabilang sa mga huling nagbigay ng testimonya ay si Lolit De Jesus, dating kalihim ng Kadamay, na inatasan umano ng NPA sa pamamagitan ng Gabriela na bumuo ng mga grupo mula sa uban poor para mang-agaw ng mga bahay.

Isinalaysay din ng isang dating cadre ng CPP-NPA na si Ivy Lyn Corpin na naging secretary ng kanilang committee sa Manila ay isang propesor ng UP na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.

Isa namang katutubo na estudyante ng Tribal Filipino Program ng Surigao Del Sur ang tumestigo kung paano sila isinasama sa mga rally ng Bayan, Bayan Muna, Anakpawis, Katribu, Anakbayan, at Gabriela, bago siya tuluyang sumali sa NPA sa edad na dose años.

Sinabi naman ni Gen. Gapay na ngayong hindi na maipagkakaila ang koneksyon ng mga progresibong grupo sa NPA, responsibilidad ng lahat bilang isang bansa na wakasan na ang panlilinlang at karahasan ng NPA.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media