7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

AGGRESSIVE COMMUNITY TESTING, SISIMULAN NA SA DAVAO CITY

5 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Sisimulan na ang aggressive community testing sa mga barangay sa lungsod ng Davao na nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng Coronavirus disease (COVID-19).

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng Test, Trace, Treat strategy ng pamahalaan upang makita at mapigilan ang pagkalat pa ng virus.

Ayon kay Dr. Ashley Lopez, focal person ng Davao City Health COVID-19, prayoridad nito ang mga barangay na may mataas na kaso ng COVID-19 na una nang kinilala ng City Health Office.

Unang isasailalim sa mga barangay ay kinabibilangan ng Brgy. Buhangin Proper ng Buhangin District, Brgy. 19-B, Brgy. 76-A, Brgy. Paciano Bangoy, at Brgy. 23-C Mini Forest.

Ngunit nilinaw naman ng opisyal na tanging ang mga indibidwal na may close contact sa COVID-19 positive patients lamang ang isasailalim sa test at hindi ang lahat ng mga residente sa nasabing mga barangay.

Umaasa ang opisyal na mapipigilan ang pagkalat ng virus kung agad na makikita ang mga posibleng carrier nito at maisailalim sa quarantine.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media