
AGRESIBONG QUARANTINE PROTOCOL IPAPATUPAD SA PASIG CITY
Sa gitna ng umiiral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) magpapatupad ang pamahalaang lungsod ng Pasig ng agresibong quarantine measures at contact tracing efforts.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, mas magiging agresibo na ito sa pagpapatupad ng mga hakbang upang matiyak na lahat ng positive cases na may mild symptoms sa lungsod ay madala na sa quarantine facility at maisaayos na rin ang backlog sa contact tracing.
Sa kasalukuyan, higit sa 2000 contact tracers na umano ng lungsod ang naka-duty.
Nagdagdag na rin umano ng bed capacity sa Centralized Quarantine Facility sa Rizal High School.
Nakatakda ring makipagpulong ang alkalde sa health team ng lungsod upang plantsahin ang iba pang hakbang kontra COVID-19.
Patuloy naman itong nakikiusap sa mga residente na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan at sagutin ang tawag ng mga tauhan ng City Epidemiology and Surveillance Unit upang agad na maalalayan.
Sa pinakahuling pagtala kahapon, August 11, aabot na sa 1,351 ang COVID-19 active cases na patuloy na binabantayan sa Pasig City.
0 Comments