
ALDEN RICHARDS PROUD BILANG UNANG MALE COVER NG MEGA ENTERTAINMENT MAG
Kasabay na rin ng pagdiriwang ng kaniyang ika-10 anibersaryo sa showbiz, si Alden Richards ang kauna-unahang male cover ng lifestyle fashion magazine na MEGA Entertainment.
Saad ng magazine sa kanilang caption,
“Christmas in our hearts indeed. The Pambansang Bae and reigning Box Office King #AldenRichards is ready to celebrate a decade of showbiz success—care to join him?”
Tinanong din ng MEGA ENT si Alden kung ano para sa kaniya ang “first love?”
Na buong giliw naman nitong sinagot, “Siguro first love parang may certain joy when you see this person na hindi mo maipaliwanag saan nanggaling parang you don’t need anything, ‘di mo kailangan ng materyal, ‘di mo kailangan ng kahit ano, siya lang okay na siya, andiyan lang siya nakikita mo lang siya parang ‘yun talaga yung feeling na, ‘Ah mahal mo ‘to.”
0 Comments