7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

ANTHONY TABERNA BUMILIB SA TAPANG NG ANAK NA MAY SAKIT NA LEUKEMIA

4 months ago | Local | 0 comments

By Bong Garabot

Ipinost ni Ka Tunying ang litrato ni Zoey ang anak nitong may sakit na Leukemia sa kanyang Facebook account matapos nga itong magpakalbo dahil sa gagawing chemotherapy.

Sa kanyang rebelasyon, inamin ng news anchor-TV host na hindi nito kinaya ang eksenang kinakalbo na ang kanyang anak na napanood niya sa isang video.

“Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy.

Dagdag pa nito, “Nu’ng pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha.”

Pero nung makita ang post ni Zoey na wala na itong buhok, mas lumakas daw ang loob niya, kahit paano raw ay nabawasan ang pag-aalala nito.

Mensahe pa ni Ka Tunying sa kanyang panganay,
“Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey.”

Sa FB post naman ni Zoey tungkol sa pagse-shave ng kanyang buhok, “I needed to chop off all my hair, and that made me very insecure and sad all the time. I really thought my life would already end there, but no. I stayed strong and did my best. I want to say thank to everyone who helped me.”

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media