7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

AWOL NA PULIS TINAMBANGAN SA MAYNILA, PATAY

4 months ago | Metro | 0 comments

By Rez Mananquil

Patay ang isang AWOL (Absent Without Leave) na pulis matapos itong tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin habang sakay siya ng kaniyang scooter, kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si PSgt Drandreb Cipriano, 47, nakatira sa 407 Lallana Street, Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:10 ng umaga ang naganap ang pamamaril sa kahabaan ng Bonifacio Street, Vitas, Tondo.

Sakay ang biktima ng kaniyang Mio type scooter nang biglang harangin ng salarin at pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril na pag-aari ng biktima, Nagawa pa raw bunutin ng biktima ngunit hindi na ito nakaganti ng putok salarin.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa salarin na mabilis na tumakas makaraang matiyak na patay na ang kaniyang target.

Base sa back ground investigation sa biktima, taong 2014 nang magpositibo sa isinagawang sorpresang drug test ng MPD si Cipriano kaya buhat noon ay hindi na siya nag-report pa sa kaniyang mother unit at tuluyan nang na-AWOL.

Naging subject rin siya ng anti-drug operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group noong 2006 sa Tondo kung saan kabilang siya sa apat na pulis-Maynila na inaresto.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng pananambang sa biktima.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media