7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

BFP AT PCG, SUMAGIP NG 50 TAO SA FLASHFLOOD SA ATIMONAN, QUEZON

2 months ago | Local | 0 comments

By Bong Garabot

Sa naganap na flash flood sa Purok Sampaguita, Barangay Caridad Ilaya, Atimonan, Quezon nitong Linggo,
hindi bababa sa 50 tao kabilang ang mga bata ang nasagip ng Bureau of Fire Protection-Atimonan at Philippine Coast Guard-Atimonan.

Nakatanggap umano ang BFP-Atimonan ng tawag dakong 3:25 ng hapon nitong Linggo mula sa mga residente ng Barangay Caridad Ilaya na nagpapasaklolo.

Dahil nga sa low pressure area, nagdulot ito ng malakas na pagulan na kalaunan ay nauwi sa pagbaha sa nasabing lugar.

Dalawa sa mga bahay ng mga residenteng nakatira doon na malapit sa ilog ang winasak at tinangay ng baha.

Nagsagawa namanagad ng rescue operation at nagtungo sa lugar ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Atimonan, BFP at PCG.

Hindi naging madali ang ginawang pag-rescue dahil na rin sa rumaragasang baha.

Upang mailigtas ang isang sanggol, isinakay sa malaking batya at isinabit sa tali ito upang maitawid sa ilog.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente dahil walang nasawi isa man sa kanila.

Sa ngayon ay maganda na ang panahon sa malaking bahagi ng probinsiya ng Quezon.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media