7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

BILYONARYO IPINAMIGAY ANG KAYAMANAN UPANG MAMUHAY NG TAHIMIK AT MAPAYAPA

7 months ago | World Business News | 0 comments

By Xai Reyes

Ipinamahagi ng builyonaryong si Charles “Chuck” Feeney ang kanyang kayamanan na umaabot sa $8 bilyon upang mamuhay ng payak sa nalalabing panahon ng kanyang buhay.

Ayon sa ulat ng Forbes, pinili ni Feeney, 89-anyos, co-founder ng Duty Free Shoppers sa mga airport, na ipamahagi ang kanyang kayamanan sa iba’t ibang organisasyon sa mundo gamit ang kanyang foundation na The Atlantic Philanthropies.

Sa nakalipas na apat na dekada, nakapagbigay daw si Feeney ng $3.7 bilyon para sa edukasyon, mahigit $870 milyon sa human rights at social change campaigns, nasa $62 milyon na grants para alisin ang death penalty sa Amerika, $76 milyon para sa grassroots campaigns na sumusuporta sa pagpasa ng Affordable Care Act (Obamacare), at mahigit $700 milyon sa medicine at research tulad ng Global Brain Health Institute sa San Francisco, California at public health care sa Vietnam.

Nagbigay din siya sa kaniyang alma mater na Cornell University, para magtayo ng technology campus sa Roosevelt Island sa New York City.

Matapos ng apat na dekadang pamamahagi ng kaniyang kayamanan, opisyal nang isinara ni Feeney ang kaniyang foundation.

Ang tanging itinira niya, $2 milyon para sa kaniyang sarili at sa kaniyang maybahay na si Helga.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media