7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

BUSINESS E-PAYMENT SYSTEM, INILUNSAD SA MUNTINLUPA CITY

5 months ago | Local Business News | 0 comments

By Xai Reyes

Mas pinadali at maginhawa na ang pag-poproseso ng business permit application at pagbabayad sa lungsod ng Muntinlupa matapos ilunsad ng lokal na pamahalaan ang Business E-Payment System o BEST.

Katuwang ng city government sa programa ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines, kung saan contactless at cashless ang processing ng payment at application para maiwasan ang face-to-face interaction sa panahon ng pandemya.

Ang BEST ay isang alternatibo sa online payment kung saan maaari nang gumamit ang mga residente ng device na may internet para i-accomplish ang business permit application at iba pang transaksyon.

Maaaring i-access ng taxpayers ang online platform sa www.muntinlupacity.gov.ph at gawin ang transaksyon para sa application sa bagong business permit o renewal, application status inquiry, billing and payment at payment history.

Magsisilbi ring online portal ang BEST para sa transaksyon na ipino-proseso ng Treasury Office kabilang na ang application at submission ng requirements, acquisition of assessment billing, order of payment at e-payment.

Matapos ang assessment at verification ng payment ay magpapadala ng advanced copy ng permit ang Business Permits and Licensing Office sa e-mail address ng kliyente pero maaaring mag-schedule ng pick-up ng original documents o delivery sa pamamagitan ng courier service.

Maipo-proseso ang bayarin sa pamamagitan ng Bancnet at PESONet partner banks, over-the-counter via ECPAY, Bayad Express at 7-Eleven outlets.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media