
COLD STORAGE PARA SA PAGLALAGYAN NG MGA MAKUKUHANG BAKUNA LABAN SA COVID-19 HINDI MAGKUKULANG -PALASYO
Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pasilidad na mapaglalagakan ang pamahalaan ng mga bakunang aangkatin nito sa ibang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na sakali mang kulangin ang inihahandang imbakan ng vaccine ng gobyerno ay naririyan naman ang mga nasa pribadong sektor.
Sa katunayan ayon kay Roque ay may nakausap na siyang asosasyon ng mga cold storage na aniya’y handang-handang makipagtulungan sa pamahalaan.
Bukod dito ani Roque ay naririyan pa ang mga cold storage facilities ng mga pharmaceutical companies na pwedeng pagdalhan sa mga mai-import na COVID vaccine.
Nakadagdag din ayon sa tagapagsalita para hindi na maging pahirapan pa ang paghahanap ng cold storage ay ang karamihan sa mga nade-develop na bakuna sa COVID ay nangangailangan lang umano ng negative 8 required temperature capacity.
0 Comments