
D.A TINIYAK ANG TULONG PARA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA NA NAAPEKTUHAN NG BAGYONG VICKY
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa mga apektadong magsasaka at mangingisda na mabibigyan sila ng tulong tulad ng mga binhi ng palay, mais at gulay.
Siniguro din ng ahensya na mabibigyan sila ng mga gamot at biologics para sa livestock at poultry; Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council .
Babayaran din ng Philippine Crop Insurance Corporation ang mga insured farmers na nalugi sa kanilang pananim.
Nakapagtala na ng inisyal na PhP5.37 million halaga ng pinsala ang Department of Agriculture sa sektor ng agrikulrura sa Region 11 dulot ni bagyong Vicky.
Base sa datos ng DA-Disaster Risk Reduction and Manage-
ment Operations Center may 1,435 magsasaka at 663 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan ng bagyo.
Abot naman sa 143 metric tons ang production loss o pagkalugi sa agricultural products .
Kabilang dito ang palay, high value crops, at pangisdaan na kasalukuyan pang sumasailalim sa validation .
0 Comments