7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

DAHIL SA COVID-19, KITA NG PCSO NAAPEKTUHAN

7 months ago | Local Business News | 0 comments

By Xai Reyes

Malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong taon.

Sa presentasyon para sa 2021 National Budget, umabot lamang sa ₱9.3-billion ang kinita ng PCSO sa lotto, small town lottery, keno, sweepstakes, at peryahan games.

Malayo sa ₱63-billion noong 2018 at ₱44-billion noong 2019 na kinita sa mga PCSO games.

Tinatayang aabot naman sa ₱19.5-billion ang naluging halaga ng ahensya.

Bumaba din sa ₱2.75-billion ang buwis na nai-remit ng PCSO sa gobyerno mula Enero hanggang Hulyo kumpara sa ₱16.9-billion noong 2018 at ₱13.5-billion noong 2019.

Kung matatandaan, mula kalagitnaan ng Marso hanggang kalagitnaan ng Hulyo ay pansamantalang sinuspinde ang gaming operations bilang pagsunod sa community quarantine.

Mula naman nang magbukas ulit ang gaming operations nitong Hulyo hanggang Agosto ay umaabot pa lang sa ₱522-million ang nalikom na kita ng PCSO.

Umaasa ang PCSO na makakabawi sila ng ₱6.9-billion na kita sa mga games sa mga natitirang buwan ngayong taon.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media