7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

DENNIS PADILLA MATAAS ANG RESPETO SA LGBTQ COMMUNITY

4 months ago | Local Entertainment News | 0 comments

By Bong Garabot

Ang panganay na anak ni Dennis Padilla na si Dianne Baldivia nagpakasal sa kapwa babae. Ito marahil ang dahilan kung bakit mataas ang respeto nito sa LGBTQ Community.

Kasama ang pelikula na ginawa ni Dennis Padilla under Viva Films sa 46th Metro Manila Film Festival.
Ang titulo nito ay Pakboys: Takusa, kung saan may eksena ang aktor na si Dennis Padilla sa isang transgender woman na si Francine Garcia na talaga namang pinag-uusapan sa trailer ng naturang pelikula.

Bagamat may mga miyembro ng LGBTQ community ang diumano’y nainsulto sa eksena na nagpapakita kay Francine na nakatalikod habang umiihi nang nakatayo. Na gulat na gulat naman si Dennis dahil hindi nito inaasahang transgender woman ang nakaniig nito.

Ayon kay Dennis, “Kapag napanood niyo naman ang buong scene, sexy saka may bed scene kami kaya matutuwa rin yung LGBTQ community, kasi nag-make love kami.”

Dahil sa eksenang iyon, binabatikos si Dennis pero ayon sa kanya, siya ang may pinakamagandang kuwento tungkol sa kanyang pagtanggap at mataas na respeto sa mga miyembro ng LGBTQ Community.

Mataas nga daw ang respeto nito sa LGBTQ Community dahil may anak siyang nagpakasal sa kapwa babae, kaya walang dahilan para magalit ang offended members.

“My daughter is married to a woman in the States. Dagdag ni Dennis.

“My eldest daughter Dianne, who is 30 years old, is married to Katx who is also a woman.

“And I respect them because mahal ng anak ko, e.”

Bago nagkaroon ng relasyon ang komedyante sa aktres na si Marjorie Barretto, nagkaroon ito ng anak sa first wife nitong si Monina Gatus at ang panganay nila ay si Dianne Baldivia.

Ang same-sex marriage nina Dianne at Katx ay naganap sa California noong September 26, 2019.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media