
‘DIGITALIZATION SA PNP GAGAWIN NA PARA MAKASABAY SA ‘NEW NORMAL’
Iniutos na ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang “Digitalization” sa kanilang hanay para makasabay sa “new normal”
Ayon ka kay Gamboa natalakay sa Command Conference nila nitong weekend ang pagtaas ng bilang ng mga cybercrimes sa panahon ng quarantine.
Aniya karamihan ng mga tao ngayon ay nasa bahay lang, kaya napapadalas ang kanilang pag-gamit ng computer o gadget.
Dahil dito, mas lumaganap ang insidente ng mga cyber crimes tulad ng cyber-bullying at pagkalat ng fake news.
Kailangan aniyang makasabay ang PNP sa “trend” ng mga krimen na nagaganap sa “cyberspace” sa pamamagitan ng “digitalizaton” o pag-upgrade ng kanilang kapabilidad sa Information and Communication Technology.
Sa pamamagitan aniya ng “digitalization” ay masisiguro ang mas mabilis na palitan ng impormasyon at “tactical accuracy” ng mga ground units, para epektibong makontra ang mga cyber criminals.
0 Comments