7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

DND SEC. LORENZANA NANAWAGAN SA MAKABAYAN BLOC NA TALIKURAN ANG NPA

5 months ago | Local Politics News | 0 comments

By Xai Reyes

Nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso na talikuran na ang New People’s Army.

Ang panawagan ay ginawa ni Lorenzana kasunod ng pagkamatay ng 22 taong gulang na babaeng anak ni Bayan Muna Sectoral Representative Eufemia Cullamat na si Jevilyn Cullamat, na aktibong miyembro ng NPA.

Namatay si Jevilyn sa pakikipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa Brgy. San Isidro, Marihatag sa Surigao del Sur nitong Sabado.

Inatasan naman ni Lorenzana ang Philippine Army na tiyakin ang pag-trato ng may dignidad sa labi ni Jevilyn.

Kahit nagmula sa kalaban, sinabi ni Lorenzana na agad nakuha ng mga sundalo ang bangkay ng batang Cullamat upang ihatid ito sa kaniyang pamilya nang mabigyan ng disenteng libing, kasabay ng pagtitiyak na mabigyan ng kaukulang seguridad ang pamilya Cullamat.

Binigyang diin pa ng kalihim na ang sinapit ni Jevilyn ay dapat magsilbing paalala sa lahat na walang mabuting idudulot ang armadong pakikibaka na isinusulong ng rebeldeng kilusan.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media