
DOH NAGLAAN NG P2.5 BILYON PARA SA PROCUREMENT NG COVID-19 VACCINES
Ayon kay Health undersecretary Myrna Cabotaje, aabot sa P2.5 billion lamang ang pondong inilaan ng Department of Health (DOH) para sa COVID-19 vaccines sa 2021.
ito muna aniya ang pondong ipinanukala para sa bakuna dahil mayroon aniyang scheme na maaaring umutang ang isang indibidwal sa Landbank, para ma-cover ang iba pang mangangailangan ng bakuna.
Oras na maging available ang bakuna, ay uunahin sa pamimigay nito ang vulnerable sector katulad ng mga medical frontliner, barangay health workers, at mga kabilang sa indigent group katulad ng mga matatanda at mga may sakit.
Pero pinakokonsidera ni Bohol Representative Edgar Chaton, na maisama ang mga manggagawa sa mga unang mabibigyan ng bakuna.
Kailangan rin aniya kasi ito, upang mapanatili ang economic confidence ng business sector at mga mamumuhunan.
Para masakop ang target na 20 million na mga Pilipino, na kabilang sa most at “at risk sector,” mangangailangan ng P12.9 billion na pondo para sa COVID-19 vaccines.
0 Comments