7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

FIL-AM DINUKOT SA ZAMBOANGA DEL NORTE

7 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Dinukot ng armadong kalalakihan ang biktimang si Rex Triplet, 64, residente ng Barangay Tapanayan, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong 6:00 ng hapon sa Barnagay Piacan.

Sa hiwalay na ulat ng Philippine Army’s 42nd Infantry Battalion, napag-alaman na ang biktima kasama ang kanyang 24-anyos na asawa na nakilalang si Celsa Maani ay pauwi na sa kanilang bahay lulan ng isang motorsiklo nang harangin ang mga ito ng apat na armadong suspects na naksuot ng fatigue uniforms sa Barangay Tapanayan.

Armado umano ang mga suspect ng matataas na kalibre ng baril tulad ng M-203 grenade launcher at maliit na baril.

Tinutukan ng mga baril ang biktima at pwersahang isinakay sa isang sasakyan.

Sa gitna ng komosyon ay nagawa namang makatakas ni Celsa at humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang kilalanin ang mga nasa likod ng pagdukot at maaresto ang mga ito sa lalong madaling panahon.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media