7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

KAPITAN NG BGRY NA NAGHIHINGI NG P1K MULA SA SAP BENEFICIARIES SA TONDO,MAYNILA, SINAMPAHAN NA NG KASO

4 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Sinampahan na ng patung-patong na kaso ang isang barangay chairman sa Tondo, Maynila matapos makuhanan ng video na nagpapaliwanag hinggil sa paghingi nito ng pera sa mga benipisyaryo ng SAP sa kanyang nasasakupan.

Ang nasabing reklamo ay isinampa ni Manila Department of Social Welfare District-2 Director Julie Bajelot na isa sa mga ginamit na pangalan ni Chairman Augusto Salangsang na dapat aniyang bigyan ng kunsiderasyon dahil sa pag-aayos ng pera ng SAP beneficiaries.

Ayon kay Bajelot, ipakukulong nito si Salangsang at hindi aniya siya natatakot.

Hinimok naman ng nasabing opisyal ang mga residente na hiningian ng ₱1,000 ni Salangsang na huwag matakot na magsampa ng kaso laban sa barangay chairman.

Para naman kay MDSW Chief Re Fugoso, hindi niya palulusutin si Balejot sakaling mapatunayan na sangkot sa nasabing kotongan ng SAP, pero binigyang-diin nito na kilala niya ang kanyang tauhan at alam niyang hindi nito linya ang naturang gawain.

Napag-alaman naman na matapos mabuking si Salangsang ay sinosoli umano nito sa mga residente ang nakuhang ₱1,000 kung saan ay pinapapirma pa umano nito ng isang “waiver” na nakasaad na wala umano itong hinihinging pera sa kanila.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media