7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

KASO NG COVID-19 SA NAVOTAS UMAKYAT NA SA 3,333 BILANG NG LUMALABAG SA MECQ LAGPAS NA SA 1,000

7 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Pumalo na sa 3,333 ang bilang ng tinamaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Navotas, ito ay matapos makapagtala ng 85 panibagong kaso ng nahawa ng virus.

Sa kabuuang bilang, 1,688 dito ang active cases o patuloy na ginagamot, 1,543 naman ang gumaling na habang 102 naman ang bilang ng mga namatay.

Umakyat naman sa mahigit 1,000 ang bilang ng lumabag sa mga ordinansa sa Navotas, na may kaugnayan sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Sa tala ng Navotas PNP, umabot na sa 1,006 ang bilang ng mga violators sa lungsod.

898 sa nasabing bilang ang hinuli dahil sa mali o hindi pagsusuot ng facemask, 54 naman ang lumabag sa curfew habang 54 rin ang nahuli dahil sa hindi pagsunod sa physical distancing.

Kaugnay ng paglobo ng mga lumalabag sa MECQ at pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19, ay hinihimok ang publiko na sundin ang mga ordinansa at mga health protocols upang maiwasan ang sakit.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media