
LIBRENG RT-PCR TESTS ALOK NG PAL SA MGA BABALIK NA OFWS MULA SA MIDDLE EAST
Nag-alok ang Philippine Airlines (PAL) ng libreng RT-PCR tests sa mga babalik na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Middle East ngayong kapaskuhan.
Ayon sa PAL, ang libreng RT-PCR ay ibibigay mula December 21 hanggang 31,2020 at lalabas ang resulta nito sa loob lamang ng 24 oras.
“Land-based OFWs and their dependents departing from Dubai, Doha, Dammam, and Riyadh, and Bahrain may now avail of PAL’s own One-Stop Shop (OSS) facility for their complimentary RT-PCR tests upon arrival,” pahayag ng airline company.
Sinabi ng PAL na mas magiging mabilis ang quarantine period ng uuwing OFW kung mabilis na lalabas na ang RT-PCR test sa loob lang ng isang araw kumpara umano sa iba na umaabot ng hanggang limang araw.
Ang paglibre sa RT-PCR test ay isang paraan umano ng airline para pasalamatan ang mga tinatawag na “modern-day heroes.”
0 Comments