7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

MAGULANG NG MGA BATANG LUMALABAG SA CURFEW IPAPAKULONG SA NAVOTAS

6 months ago | Metro | 0 comments

By Xai Reyes

Nagbabala si Navotas Mayor Toby Tiangco na kakasuhan at ipakukulong ang mga magulang ng mga batang ilang beses mahuhuling lumalabag sa mga health protocol.

Sa isang Facebook post, nagpahayag si Tiangco ng pagkadismaya dahil marami na namang mga menor de edad na nahuhuling naglalaro o gumagala sa labas ng kanilang mga bahay, at lumalabag sa curfew.

“Tandaan na sa ikatlo o higit pang beses na nahuli ang mga batang ito, maaari ng kasuhan at makulong ang kanilang mga magulang,” pahayag ng alkalde.

Sa tala ng Navotas city government noong Martes, umabot na sa 4,369 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod, kung saan 490 ang active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.

Nasa 3,756 naman ang gumaling habang 123 ang namatay dahil sa sakit, ayon sa Navotas city government.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media