
MAHIGIT P2-M HALAGA NG PINAKAMAHAL NA PUNONGKAHOY SA MUNDO NAHARANG SA NAIA
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of NAIA at Environment Protection Compliance Division ang tatlong packages na naglalaman ng pinakamahal na punongkahoy sa buong mundo sa FedEx Warehouse sa Pasay City.
Batay sa ulat, 28 kilos ng Agarwood tree na nagkakahalaga ng 2.4 million pesos ang nasabat mula sa packages na ipinadala ng isang residente sa Davao patungo sana sa United Arab Emirates.
Idineklara ang mga package na naglalaman ng face masks, leather jackets, pantalon, sapatos at bag pero nang isailalim na sa x-ray inspection ay iba ang nakita ng mga awtoridad.
Iginiit ngDepartment of Environment and Natural Resources (DENR) na iligal ang pagbebenta ng agarwood o lapnisan sa Pilipinas na matatagpuan lamang sa mga kagubatan sa Visayas at Mindanao at sinasabing bibihirang makita ng mga dayuhang dumarayo sa liblib na lugar.
Bukod dito, ang tangkang pag-eexport ng naturang punongkahoy ay walang kaukulang permit mula sa DENR.
Sinasabing ang agarwood ay isa pinakamamahaling punongkahoy sa mundo na ang isang kilo ay nagkakahalaga ng tinatayang aabot sa 750,000 pesos.
Kilala ito sa kakaibang amoy na ginagamit na sangkap sa pabango, insenso at produktong pang-gamot sa Middle East at iba pang bahagi ng Asya.
0 Comments