7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

MAHIGIT P400K HALAGA NG SHABU NASABAT SA BUY BUST OPERATION SA MALABON

5 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Aabot sa mahigit sa P400,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District Drug Enforcement Unit nitong Miyerkules.

Ang operasyon ay isinagawa dakong 4:00 ng madaling araw sa No. 92, University St., Brgy. Potrero, Malabon City.

Nahuli sa dalawang operasyon ang suspect na sina Ronald Ramos, 34-na taong gulang at Chriza Malinao, 23-taong gulang.

Nasagip naman ang isang menor de edad sa operasyon.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyon sa pagbebenta ng iligal na droga ni Ramos sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng operasyon ang kapulisan na nagresulta sa pagkakahuli ng mga suspect.

Nasabat mula sa mga nahuli ang ginamit na buy-bust money, tatlong supot ng hinihinalang shabu na may bigat na 60 gramo at nagkakahalaga ng ₱408,000.
Narekober rin mula sa mga suspek ang dalawang cellphone na ginagamit ng mga ito sa bentahan ng droga.

Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act habang iti-turn over naman sa DSWC ang nasagip na menor de edad.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media