
MALACAÑANG UMAASANG MAABOT ANG 6.5% TO 7.5% NA GDP GROWTH SA SUSUNOD NA TAON
Malaki ang kumpiyansa ng economic team ng pamahalaan na kayang abutin ang 6.5 hanggang 7.5 percent na growth domestic product para sa susunod na taon.
Inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na bukod sa unti-unti nang pagbubukas ng ekonomiya ay naririyan na din naman ang inaasam-asam na bakuna kontra COVID-19 sa 2021.
Sinabi ni Nograles na sa mga planong inilatag ng gobyerno ay kaakibat ang paniniwalang makaka-recover ang bansa sa pandemya at mababawi nito ang estado bilang ‘Most Promising and Dynamic Economies in the Region.’
Kaya naman daw pagsabayin ani Nograles na paganahin ang ekonomiya at sa kabilang banda ay ipatupad ang mga hakbangin para pigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ng kalihim na naniniwala silang makaka-rebound ang bansa mula sa hagupit na idinulot ng COVID-19 lalo’t nakaposisyon na din naman ang pag-angkat ng pamahalaan ng bakuna habang bukas na din ang komersyo.
0 Comments