7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

MAMBABATAS UMAPELA SA DAGDAG NA PONDO PARA SA DSWD RISK RESILIENCY PROGRAM

4 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Inaapela ni Tingog Partylist Representative Yedda Marie Romualdez na madagdagan ang pondo ng Department of Social Welfare and Development Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) – Disaster Risk Reduction para sa susunod na taon.

Kasunod ito ng pagpapatupad ng cash-for-work program ng Tingog Partylist katuwang ang DSWD kung saan nasa 100 residente ng Marikina ang nakinabang.

Kapalit ng paglilinis ng kanilang komunidad matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses ay nakatanggap ng P3,000 ang ilang taga Marikina na karamihan ay taga Brgy. Malanday.

Punto ni Romualdez, hindi dole-out ang kailangan ng mga disaster survivors bagkus ay tulong para sila ay makabalik sa kanilang normal na pang-araw-araw na buhay.

Bahagi ng naturang programa ang pagpapatupad ng mga proyekto na makatutulong sa mga komonidad na malapit o lantad sa epekto ng climate change.

Halimbawa ng mga cash for work activities sa ilalim nito ay ang pagtatanim ng indigenous trees, communal/organic gardening, dredging of waterways, canal de-clogging, community clean-up, construction of toilets, rehabilitation ng river banks at farm-to-market roads.

Layon din ng RRP-CCAM na mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa climate change adaptation at himukin ang mga komonidad na makibahagi dito.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media