
MGA EMPLEYADO NG LRT, ISASAILALIM SA SWAB TESTING BAGO MULING MAG-OPERATE
Inihayag ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magkakaroon ang mga ito ng company-wide swab testing para sa kanilang mga empleyado simula Biyernes.
Ayon kay sa LRMC, ito ay bilang tugon sa apela ni Transportation Secretary Arthur Tugade na i-swab test ang lahat ng personnel ng LRT-Line 1.
Isasagawa ang swab testing hanggang sa August 19 para paghandaan na rin ang pagbabalik-operasyon ng LRT sa sandaling tapusin na ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.
Kinumpirma rin ng kumpanya na hindi muna matutuloy ang rightsizing program o pagbabawas ng empleyado sa Setyembre dahil sa epekto ng pandemya.
Ito’y para baguhin ang mga stratehiya at ipagpatuloy ang suporta sa team members at government partners hangga’t kakayanin, kasabay ng pagtitiyak ng Department of Transportation na tutulungan nito ang mga kawani ng LRT at hahanapan ng solusyon ang mabigat nilang suliranin.
Ngunit tuloy ang voluntary at mandatory retirement para sa mga tauhan na 56 years old pataas na tinatayang 5 percent ng kabuuang workforce ng LRMC.
0 Comments