7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

NPA SUMUKO MATAPOS ANG SAGUPAAN SA DAVAO DE ORO

5 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng armadong grupo at tropa ng 25th Infantry Battalion at Nabunturan Municipal Police Station sa Barangay San Roque, bayan ng Nabunturan, Davao de Oro .

Kinilala ni 10th Infantry Division Public Affairs Officer Major Jerry Lamosao ang sumukong NPA na si alyas Dennis.

Inihayag ni Lamosao na base sa ulat na ipinaabot ng 25IB, nagpasyang sumuko na lamang si alyas Dennis pagkatapos ng bakbakan dahil natakot siya para sa kanyang buhay. Malugod naman siyang tinanggap ng 25IB at ipinasailalim sa interview at custodial debriefing.

Kasabay na isinuko ni alyas Dennis ang kalibre 45 at isang improvised explosive device o anti-personnel landmine.

Nasa pangangalaga ng 25th IB ang isinukong baril at bomba ni Dennis para sa karagdagang mga panayam at tamang disposisyon.

Isinumbong umano ng ilang residente ang kanilang presensya sa nasabing barangay dahilan upang ikasa ang operasyong militar para pigilan ang masamang balakin ng mga NPA.

Nasa apat na mga miyembro ng NPA ang naka-engkwentro ng 25th IfB na tumagal ng limang minuto.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media