7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

OSPITAL SA ILOILO , INIREKLAMO MATAPOS IPALIBING AGAD ANG PASYENTENG NEGATIBO PALA SA COVID-19

7 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Labis na ikinadismaya ng isang pamilya sa Iloilo ang minadaling pagpapalibing sa kanilang kaanak na pinagsuspetsahang positibo sa COVID-19 ngunit nakumpirmang nagnegatibo sa virus.

Ayon kay Brgy. Kagawad Joyrena Betsaida ng Lawis, Balasan, Iloilo, noong Agosto 26, hindi sila pinalabas ng bahay dahil sa hinalang may COVID-19 ang kanyang may sakit na asawa.

Kaagad din silang pinuntahan ng mga Barangay Health Worker para sa monitoring kung saan dinala na ang kanyang asawa sa district hospital sa Balasan dahil sa pag-ubo at pagsuka ng dugo kung kaya’t ini-refer na lang sa lungsod ng Iloilo.

Ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay ang pasyente habang papunta sa lungsod at napagdesyunan na ibalik sa nasabing district hospital upang kunan ng swab sample para sa COVID-19 test.

Kasunod nito ay inirekomenda ng kanilang Rural Health Physician na kaagad na ilibing ang kanyang asawa bilang pagsunod sa protocol.

Labis naman ang kanilang hinanakit nang nakumpirmang COVID-19 negative ang kanyang asawa at samut-saring diskriminasyon ang naranasan ng kanyang pamilya.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media