7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

P225,000 HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST OPERATION SA DAVAO CITY

7 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 11 ang ₱225,000 na halaga ng iligal na droga sa isinagawa nitong buy-bust operation sa isang condominium sa Davao City.

Arestado rin sa naturang operasyon ang suspect na nakilalang si Ernesto Callao Jr., 37-taong gulang at residente ng Barangay Cabantian, Davao City.

Ayon sa ulat, binentahan ng suspect ng isang sachet ng shabu ang isang tauhan ng PDEA-11 na nagpanggap na buyer dakong 2:50 ng hapon nitong September 21 sa Porras Street, Barrio Obrero sa lungsod.

Nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang 16 na sachets ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo na nagkakahalaga ng ₱225,000.

Base sa records, nakulong na umano itong si Callao matapos din itong mahuli noong Mayo 2019 pero nakalabas nitong Disyembre 2019 dahil sa Plea Bargaining Agreement.

Kalaboso na ngayon ang suspect sa piitan ng PDEA-11 at sasampahan ngayong araw ng patong-patong na kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media