
PAG-AKYAT NG PH SA LISTAHAN NG TOP 20 MOST NO. OF COVID-19 CASES IN THE WORLD, SA CUMULATIVE CASES LANG NAKA-SENTRO
Ayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), ang pagiging top-19 ng Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 ay ibinase lamang sa cumulative cases o mga nadaragdag na kaso at hindi sa mga kakaka-recover sa virus.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, masyadong naha-higlight ang bilang ng mga nadaragdag at kabuuang naging kaso ng COVID-19 sa halip na mabigyang-diin din sana ang bilang ng mga nakakarekober o gumagaling sa virus.
Dagdag ni Nograles na hindi rin nabibigyang pansin ang mababang fatality rate na kung saan isa ito sa tinututukan ng pamahalaan.
Sinabi ng kalihim na isa rin sa inaagapan ng gobyerno ay ang mauwi sa severe o critical ang lagay ng isang tinamaan ng COVID-19 kaya’t patuloy ang paalala nito na i-obserba ang preventive measures laban sa sakit.
Sa report ng Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center nitong nakalipas na October, sinabi nitong naungusan na ng Pilipinas ang Pakistan sa dami ng corona virus.
0 Comments