
PAGKAKAPILI KAY GIERRAN BILANG BAGONG HEPE NG PHILHEALTH IDINEPENSA NG PALASYO
Idinipensa ng Palasyo ang pagpili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran bilang bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque hindi kailangan na isang health expert ang dapat na maitalaga sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang maayos na mapagana ang ahensya.
Ang pahayag ay ginawa ni Roque bilang tugon sa reaksyon ng Unyon sa PhilHealth na nagsasabing sana ay ang naitalaga sa kanila ay isang ekperto sa health insurance.
Iginiit ni Roque na ang mahalaga ngayon ay malinis ang korapsyon sa PhilHealth at naniniwala silang pasok sa kwalipikasyon si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran upang pamunuan ang ahensya.
Bukod sa ito ay abogado, CPA din aniya si Gierran kaya’t may alam aniya ito kapwa sa financial at legal aspect.
Bukod dito ayon kay Roque ay hindi kailanman nakaladkad sa anomang kontrobersiya ang pangalan ni Gierran at subok na aniya ang integridad nito.
0 Comments