7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PAGLALAGAY SA IMMIGRATION WATCHLIST SA MGA PHILHEALTH OFFICIALS NA SANGKOT SA KATIWALIAN APRUBADO SA PALASYO

7 months ago | Local Politics News | 0 comments

By Xai Reyes

Sang-ayon ang Palasyo sa mungkahi ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy, na ipabilang sa immigration watchlist at mag-impose ng hold departure order (HDO) laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na sangkot sa mga katiwalian sa tanggapan.

Nauna nang umapila ang mambabatas sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI), na agad mag-isyu ng kinakailangang legal authorization upang ma-secure ang mga dokumento at computers sa PhilHealth, nang sa ganun ay matiyak na hindi basta maglalaho ang mga ebidensya at testigo laban sa mga ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, 100 percent na sang-ayon ang Palasyo sa hakbang na ito.

Base sa rekomendasyong ibinigay ng Task Force on PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Duterte, ilan lamang sa mga pinasasampahan ng kaso ay sina dating PhilHealth President Ricardo Morales, SVP Jovita Aragona, OIC Calixto Gabuya, SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Francis Pargas, COO Arnel De Jesus, Crisostomo, at iba pa.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media