7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PAGTAGUYOD NG VIOLENCE AGAINST WOMEN ISINULONG NG DOLE

5 months ago | Local Politics News | 0 comments

By Xai Reyes

Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko partikular na sa mga kababaihan na isumbong sa awtoridad kung may nararanasan ang mga ito na pang-aabuso.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalan para matuldukan ang Violence Against Women (VAW), ay dapat committed din ang lahat sa nasabing adhikain.

Aniya, dahil sa pinairal na quarantine sa bansa ay posibleng hindi nakakapagsumbong ang mga kababaihan na nakakaranas ng iba’t ibang klase ng karahasan at harassment.

Kaugnay nito, inatasan na ni Bello ang DOLE bureaus, services, regional offices, at mga attached agency nito na itaguyod ang kamalayan sa iba’t ibang klase ng karahasan na nararansan ng mga kababaihan at bigyan ito ng impormasyon hinggil sa mga batas na makakapagprotekta sa kanila.

Itinulak din ng kalahim ang pagtataguyod ng VAW-related services na maaring ma-access ng publiko para mas mapalakas ang pag-iwas at response system sa VAW.

Ang Proclamation No. 1172, s. of 2006 at RA No. 10398, s. of 2013 ay nagdedeklara sa November 25 hanggang December 12 kada taon bilang National Consciousness Weeks for the Elimination of Violence Against Women and Children.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media