
PALASYO SINIGURONG PRAYORIDAD ANG MGA MAGSASAKA NA MABIGYAN NG TULONG NGAYONG PANDEMYA
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na sa implementasyon ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ay may P24-na bilyong pisong inilaan para sa direct cash o loan interest rate subsidies na nasa ilalim ng programa ng Department of Agriculture – Agricultural Credit Policy Council.
Dagdag ni Nograles na nakapaloob din sa Bayanihan 2 na mayroon ditong probisyon na mandato ang pamahalaan kasama na ang local government units (LGUs) na kailangang bumili direkta ang mga ito sa mga magsasakang Pinoy.
Dagdag ni Nograles na sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program ay rekta ding kumukuha ang ilang ahensya ng pamahalaan ng kanilang food supply sa mga magsasaka.
Isa na rito ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa ganitong paraan ayon kay Nograles ay nawawala na din ang mga tinatawag na middlemen na isang malaking benepisyo para sa mga magsasaka.
0 Comments