7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUKALA PARA SA TOURIST PROTECTION LUSOT NA SA KOMITE SA KONGRESO

4 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Nagkasundo ang mga miyembro ng House Committee on Tourism na pagtibayin ang substitute bill para sa proteksyon at pinagandang serbisyo para sa mga turista.

Sa pamamgitan ng naturang panukala, ay maaalis na ang alinlangan ng mga turista na bumisita o bibisita sa bansa dahil sa kakulangan ng mga tourism infrastructure tulad ng telecommunication facilities.

Bukod pa ito sa persepsyon na pinagkakakitaan ng ilang locals ang mga turistang bumibisita sa kanila.

Oras na maisabata ay aamiyendahan ng panukala ang Republic Act 9593 o ang Tourism Act of 2009.

Kasama rin sa panukala ang pagbuo ng isang Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task Force na pamumunuan ng Tourism Secretary kasama ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Justice (DOJ), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Philippine National Police (PNP).

Ipatutupad na rin ang unfirom standards sa lahat ng signage, directional signage, travel and information materials, toll free telephone assistance system na tatauhan ng multi-lingual operators at internet services.

Maglalatag rin ng mga hakbang laban sa harassment, paggamit ng iligal na droga sa mg tourist establishmnts, sistema ng pagrereklamo, sapat na health facility sa tourism destination, at pagpapabuti sa information and communications technology o ICT.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media