7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUKALANG MAGPAPALAKAS NG LEGAL STAFF NG DOJ, LUSOT NA SA KOMITE

5 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Ayon kay Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun na may-akda ng HB 4496, ang Legal Staff ay kulang sa kawani at nangangailangan ng kaunlaran sa organisasyon upang makapaglingkod ng husto sa kanilang mandato.

Inaasahang mapagbubuti na ang Legal Staff ng Department of Justice matapos aprubahan ng House Committee on Justice ang panukala para dito.

Sa unnumbered substitute bill ng pinag-isang House Bill 4496 at 6369, ay papalitan ang pangalan ng DOJ Legal Staff bilang Office of the Chief State Counsel, gayundin ay tutukuying muli, palawigin, gawing makatuwiran at gawing propesyonal ang kagawaran.

Dagdag ni Fortun na ang naturang posisyon ay maikukumpara sa mga posisyon ng nasa Office of the Solicitor General.

Sa ilalim ng inaprubahang substitute bill ay gagawin na itong katulad ng mga miyembro ng hudikatura.

Aniya, sasakupin na rin nito ang mga bagong tungkulin at kapangyarihan tulad ng pangunguna sa negosasyon sa mga tratado, convention, at kasunduan na may kaugnayan sa international legal cooperation, magsilbi bilang legal adviser sa iba pang government agencies para sa negosasyon at implementasyon ng international agreements at pangunahan rin ang mga negosasyon na may kaugnayan sa legal at constitutional issues.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media