7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUKALANG PAGTATAYO NG BULACAN AIRPORT CITY SPECIAL ECONOMIC ZONE INAPRUBAHAN

7 months ago | Local | 0 comments

By Xai Reyes

Sa botong 205-Affirmative, 6-Negative, at isang abstention, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7575 o panukala na lilika ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport sa Bulacan Airport City o New Manila International Airport (NMIA) na siyang mamamahala sa operasyon ng Bulacan Ecozone.

Sa ilalim ng panukala, ang mga negosyo sa loob ng Bulacan Ecozone ay entitled sa mga insentibo na ibinibigay ng Omnibus Investments Code of 1987 at iba pang fiscal incentives na itinatakda ng batas.

Lalagyan din ang naturang ecozone ng mga pasilidad para sa transportasyon, telecommunications, at iba pa.

Sa pagbuo ng naturang ecozon ay inaasahang makakahikayat ito ng mga mamumuhunan gayundin ay makapagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente ng Bulacan at mga kalapit na lugar.

Samantala, ngayong araw ay inaprubahan na rin sa ikalawang pagbasa ang House Bill 5989 na siyang magtatatag ng isang Department of Disaster Resilience.

Kung matatandaan noong ika-5 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay isa ang panukala para sa pagbuo ng isang DDR sa mga ipinanawagan nito sa Kongreso na maipasa.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media