7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUKALANG PALAWIGIN ANG TRANSITION PERIOD NG BARMM INIHAIN SA KAMARA

4 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Inihain ni Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu ang House Bill 8117 na layong amiyedahan ang RA 11054 o Bangsamoro Organic Law.

Kasunod na rin ito ng naging pulong ng House Committee on Peace, Reconciliation and Unity kung saan inihayag ng Bangsamoro Transition Authority at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na kakailanganing i-extend o palawigin ang transition period para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Bunsod na rin kasi ng COVID-19 ay bumagal ang pagpapatupad ng normalization process sa rehiyon.

Sa ilalim ng panukala, itinutulak na palawigin ng tatlong taon pa o hanggang 2025 ang BTA o ang interim government ng BARMM.

Bukod dito, ay ipinapanukala rin na ipagpaliban ang dapat sanang Bangsamoro government election na isasabay sa 2022 national elections at sa halip ay isagawa na lamang din sa 2025.

Una nang sinabi ni OPAPP Secretary Carlito Galvez na suportado ng Pangulong Duterte ang naturang hakbang ngunit ipinauubaya na sa Kongreso kung paano ito maisasakatuparan.

photo: esmael magudadatu/FB

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media