7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUKALANG PROTEKSYON SA MEDIA WORKERS, LUSOT NA SA HOUSE COMMITTEE ON LABOR AND EMPLOYMENT

7 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Inaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment ang House Bill 2476 o Enhanced Protection, Security and Benefits for Media Workers Act.

Layon ng panukala na palakasin ang fourth estate ng bansa, at tiyakin na naibibigay ng media companies at networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media worker. tulad ng tamang pasahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo para sa mga media practitioner.

Nakasaad sa panukala, na ang entry-level position ay makatatanggap ng minimum wage compensation, na itatakda ng national wages ang productivity commission o kaya ay regional tripartite wages and productivity boards.

Nakasaad din sa section 5 ng panukala, na ikokonsidera nang regular employee ang media
worker matapos ang anim na buwang tuloy-tuloy na employment nito.

Ang mga miyembro naman ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations, ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod.

Bibigyan din ng mga protective equipment ang mga media worker, tulad ng bullet proof vests at helmets gayundin ang medical grade personal protective equipment sa tuwing magko-cover sa mga hazardous areas.

Magkakaroon din ng ₱200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag.

Bubuo naman ng isang Media Tripartite Council, na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga taga media.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media