7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PANUNTUNAN NG PNP SA PAGTIYAK NG MENTAL FITNESS NG MGA PULIS PINASISILIP SA KAMARA

2 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Naghain ng resolusyon si Marikina Representatitive Stella Quimbo upang silipin ang polisiya ng Philippine National Police (PNP), sa pagtiyak ng performance at mental fitness ng kanilang mga personnel.

Ayon kay Quimbo, ang nangyaring pagkakapaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio ng Paniqui, Tarlac, ay nagpapakita lang ng lapses o pagkukulang sa hanay ng law enforcement.

Nakapaloob sa resolusyon ang pag-atas sa angkop na komite na magsagawa ng investigation in aid of legislation, upang makita kung nasusunod ba ang panuntunan sa pagtiyak ng tactical knowledge at mental fitness ng pambansang pulisya.

Sa pamamagitan nito, ay makakapaglatag ng angkop na reporma ang kongreso upang matiyak na nasa maayos na pangangatawan at pag-iisip ng lahat ng mga pulis.

Bukod dito, nais rin aralin ng Kamara kung dapat na bang ipagbawal sa mga pulis ang pagbibitbit ng kanilang service firearm kapag hindi naka-duty, katulad ng ipinapatupad sa ibang mga bansa.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media