7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PAO UMALMA SA PAGTATANGGAL NG PONDO PARA SA KANILANG FORENSIC TEAM SA SUSUNOD NA TAON

5 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Umaalma ang Public Attorneys’ Office (PAO) sa naging hakbang ng ilang senador na nagtanggal sa pondo ng forensic office para sa General Appropriations Act ng susunod na taon.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, mismong sina Senador Franklin Drilon at Senador Sonny Angara ang nagtanggal ng pondo.

Base sa isinumite nilang panukalang pondo sa Kongreso, inalis ng PAO ang pondo para sa pagbili ng mga bagong kagamitan ng forensic office dahil hindi naman daw nila ito kailangan.

Ngunit nang dumating sa Senado, inalis nina Drilon at Angara ang lahat ng pondo ng buong forensic office kabilang na ang sweldo ng mga doktor at iba pang empleyado nito.

Ang paniwala ni Acosta, nais bigyan ng dalawang senador ng zero budget ang forensic office ng PAO.

Ang forensic office ang siyang nagsasagawa ng case build up sa Dengvaxia vaccine sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan kilalang kaalyado ang dalawang senador ng nakaraang administrasyon.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media