7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PHILIPPINE NAVY CAPTAIN NASAWI SA COVID-19, NASAWING COVID-19 PERSONNEL UMABOT NA SA SAMPU

7 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Ayon kay Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, isang Navy Captain ang binawian ng buhay dahil sa sakit ng COVID-19.

Sinabi ni Bacordo na ang kapitan ay isinugod sa AFP Medical Center nitong August 5, ng gabi matapos na makaranas ng mataas na lagnat at hirap sa paghinga.

Agad umanong na-intubate ang pasyente subalit binawian ng buhay nitong August 6.

Ayon kay Bacordo, galing sa Fort Bonifacio ang biktima pero inilipat sa Manila Naval Hospital dahil sa nararanasang mga sintomas ng COVID -19 ngunit dahil sa lumalalang kondisyon ay inilipat ito sa AFP medical Center at doon na sya namatay.

Sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sinabi ni Spokesperson Major General Edgard Arevalo na hanggang August 8, 2020 umaabot na sa 1,137 na mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines anv infected ng SARS-CoV-2 Virus na maaring maging COVID-19.

Aniya sa bilang mga infected 473 lamang ang active cases habang 138 sa mga naging infected nakarekober at hinihintay nalang ang kanilang medical clearances

517 ay cleared at nakabalik na sa kanilang mga duty pero 10 AFP personnel na ang namatay.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media