7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PONDONG P2.5-B PARA SA COVID-19 VACCINE PINATATAASAN

4 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Pinadaragdagan ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor ang pondo na nakapaloob sa 2021 General Appropriations Bill na ilalaang pambili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Defensor, hindi sasapat ang P2.5 billion para mabakunahan ang mga mahihirap na Pilipino, gayundin ang mga health care personnel at iba pang frontline workers na nangunguna sa pagprotekta sa publiko.

Dagdag pa nito, na mismong si Budget Secretary Wendel Avisado at ang Department of Health (DOH) ang umamin, na maliit na bilang lang ang magbebenepisyo sa inilaang pondo.

Aabot sa 3.8 milyong Pilipino ang inisyal na bilang na target mabakunahan ng pamahalaan ayon kay Avisado.

Ngunit ang target naman sana ng DOH, ay mabakunahan ang 20 milion na mahihirap na Pilipino kung saan kakailanganin nila ng P12.9 billion na pondo.

Bunsod nito, hinimok ni Defensor ang Kamara, na aralin kung ano ang mga pondo na maaaring i-realign upang maibigay ng buo ang halos P13 bilyong na kailangan ng DOH.

Hiniling din ng kinatawan sa DOH, na magbigay ng tamang estimate ng halaga ng bakuna.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media