7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PRE-REGISTRATION NG NATIONAL ID SA NCR, SISIMULAN SA JANUARY

5 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Maaaring sa January pa ng taong 2021 maisalang sa pre-registration ng National ID ang mga residente ng National Capital Region (NCR) ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, mauuna sa pre-registration at validation mula October hanggang December ang 664 na lungsod at munisipalidad sa 32 probinsya.

Sa naturang timeline, target umano ng PSA na maabot at mairehistro ang siyam na milyong heads ng low income families.

Pagdating naman ng 2021, palalawakin na rin aniya ang registration operation sa mga natitirang lalawigan kabilang na ang NCR.

Posible rin aniyang masimulan na sa susunod na taon, ang issuances ng national ID para sa mga unang mairerehistro.

Kasunod nito, tiniyak ng PSA, na magiging maingat ang proseso ng pagpaparehistro kung saan magpapatupad ng mahigpit na health protocols.

Kabilang na rito ang pagsasailalim sa regular na COVID screening ng mga tauhan nitong mag-iikot sa bansa.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media