7 KILLED, HUNDREDS INJURED AS STRONG QUAKE HITS SULAWESI, INDONESIA
VATICAN: POPE FRANCIS, FORMER POPE BENEDICT BOTH GET COVID-19 VACCINE
AUSTRALIA REBUKES GOOGLE FOR BLOCKING LOCAL CONTENT
JAPAN TO BAN ENTRY OF FOREIGN ATHLETES TO TRAIN AHEAD OF SUMMER OLYMPICS
BIDEN INAUGURATION WILL FEATURE DIVERSE PERFORMANCES INCLUDING LADY GAGA, JENNIFER LOPEZ
COURT ORDERS ARREST OF COPS ACCUSED OF KILLING ARMY MEN IN JOLO
THE PANDEMIC SLAMS PHL VEHICLE SALES IN 2020
CHESS PLAYER WESLEY SO BAGS P11.8M, JOINS WORLD’S TOP ESPORT EARNERS
ZSA ZSA PADILLA FINALLY VISITS THE GRAVE OF ‘COMEDY KING’ DOLPHY AGAIN
DUTERTE: PRESIDENCY JOB NOT FOR A WOMEN

PRESYO NG IMPORTED NA GALUNGGONG, PUMALO NA SA P280 KADA KILO

3 months ago | Nation | 0 comments

By Xai Reyes

Umakyat na hanggang ₱280 ang kada kilo ng isdang galunggong na inangkat ng pamahalaan mula sa ibang bansa.

Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), ₱260 hanggang ₱280 ang kada kilo ng galunggong sa San Andres Market sa Maynila.

Mas mahal ito sa ₱240 na kada kilo sa Las Piñas City Public Market, Marikina City Public Market, at Mega Q-Mart sa Edsa, Quezon City.

Nasa ₱260 naman sa Guadalupe Market sa Makati City, Quinta Market sa Maynila, at Commonwealth Market sa Quezon City.

Sinabi ni Assistant Secretary Kristine Evangelista ng DA, off season ang panghuhuli ng isdang galunggong sa malaking bahagi ng karagatan ng Pilipinas kung kayat puro imported ang nabibili sa mga pamilihan.

Tatagal ng hanggang Enero 2021 ang off season ng isdang galunggong sa Pilipinas.

Para kay Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera, ang off season sa panghuhuli ng galunggong ay upang bigyang daan ang pangingitlog o pagpaparami nito.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published.

Social Media